Nahuli ng Naval Forces Eastern Mindanao sa pamamagitan ng BRP Artemio Ricarte ang MB Queen Juhaya na may lulang smuggled na sigarilyo sa karagatang sakop ng Sultan Kudarat, South Cotabato kamakalawa.
Ayon kay LCdr. Jerome Mauring Public Affairs Officer ng Philippine Navy nagsasagawa noon ng territorial defense operations ang tropa ng pamahalaan sa bahagi ng Eastern Mindanao.
Niradyo umano ng mga awtoridad ang nasabing watercraft pero hindi ito tumigil bagkus lalo pang binilisan ang takbo.
Agad itong hinabol ng Naval Forces Eastern Mindanao kung saan nasabat ang dito ang humigit kumulang 527 master cases ng mga smuggled na sigarilyo na mayruong street value na P8M.
Nabatid na isa sa mga nahuling crew ay undocumented Malaysian national kung saan nakumpiska din mula dito ang hindi lisensyadong baril.
Dinali din sa Capt. Feranil Pier, Naval Station Felix Apolinario, Panacan, Davao City ang 6 na Filipino crew para sa kanilang proper disposition.