Subic Bay Freeport – Aabot sa apatnapung milyong pisong halaga ng mga imported na alak ang nasabat ng mga SBMA Freeport Police Operatives sa loob ng Subic Bay Freeport.
Ayon sa ulat, mula sa SBMA law enforcement department, isang libo tatlong daan at dalawampu’t isang kahon ng mga mamahaling alak ang natagpuan sa isang 40 footer container van na naka-parked sa Subic Seaport Terminal.
Ayon kay SBMA Chairman at Administrator Wilma Eisma, ilang mga tiwaling traders ang nais sanang magsamantala nitong panahon ng holidays.
Ani Eisma, ayon sa SBMA led, isang tip ang natanggap nila na may grupong may balak maglabas ng smuggled na kontrabando lulan ng isang Nissan Patrol SUV at Fuso 40 footer container van na minamaneho ni Julio Flores, 41 anyos kasama ang helper na si Marvin Arcega, 46 years old.
Kabilang sa mga nasabat ang 54 bote ng Remy Martin Louis XIII na nagkakahalaga ng 170 thousand pesos bawat bote at walong boxes ng Remy Martin Centaure De Diamant na may market value na P60,000 kada bote at iba pang klase ng mga imported wines.
Ang mga nasabat ay nai-turn over na sa Bureau of Customs ng Port of Subic para sa proper documentation at disposition.
SMUGGLED | P40 milyong halaga ng imported na alak, nasabat sa Subic Bay Freeport
Facebook Comments