Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na nagpositibo sa mga residue ng pestisidyo, heavy metals at microbiological contaminants ang 300 tonelada ng mga smuggled na gulay na nakumpiska sa isang warehouse sa Navotas City noong kalagitnaan ng Agosto.
Iniulat ni Bureau of Plant Industry (BPI) Director Gerald Glenn Panganiban na batay sa resulta ng mga pagsusuri sa nasamsam na mga sibuyas, kamatis, at carrots mula sa pansamantalang cold storage facility ay nagpakita ng pagkakaroon ng organophosphates, organochlorines, at pyrethroids ,ng mga pesticides na nakakapinsala sa mga tao.
Gayundin ng cadmium at lead na nagdudulot ng malaking panganib sa kalusugan.
natukoy rin ang mga microbiological contaminants tulad ng E. coli, Listeria monocytogenes, at Salmonella spp.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na itatapon ang mga kontaminadong gulay, dahil hindi ito maaaring maibenta o mai-donate.