Smuggling at hoarding ng mga produktong pang-agrikultura, pina-aaksyunan ni PBBM

Nakatutok na ang Dept of Agriculture sa pagsawata sa smuggling at hoarding o pagtatago sa suplay ng mga produktong pang-agrikultura para maitaas ang presyo sa merkado.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang hakbang nilang ito ay isang paraan upang palakasain ang value chain.

Habang patuloy ang pagtugon sa production side.


Paliwanag ng pangulo, may tinatawag na vertical integration o isahan na ang bayarin mula sa lugar ng produksyon hanggang sa retail.

Sa kasalukuyan kasi magpapalipat-lipat ang produkto mula sa magsasaka, kukunin ng negosyante o trader, tapos dadaan sa marketing at saka pa lamang babagsak sa retail.

Kung ganito aniya palagi ang mangyayari, mas marami ang magagastos dahil bawat isa sa mga ito ay kailangang bayaran bago pa man makarating sa palengke.

Samantala, tiniyak rin ng pangulo na sapat ang supply ng sibuyas sa bansa at walang basehan ang pagtaas ng presyo nito noong Pebrero.

Ang nangyari aniya ay inipit ang suplay sa mga cold storage facilities at itinaas ang presyo.

Kaya naman ayon sa pangulo, dapat na itong aksyunan at gawan ng paraan upang ganap nang mapatatag ang suplay at presyo ng mga produktong pang-agrikultura.

Facebook Comments