Hindi dapat nangyayari ang smuggling sa bansa.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillion na may epekto sa ekonomiya ng bansa ang smuggling.
Aniya, magkahiwalay na isyu ang pagkakaroon ng smuggling at ang pagkakaroon ng problema sa supply ng pagkain sa bansa pero parehong may epekto sa ekonomiya.
Kaya kailangan aniyang walang nagaganap na ganito sa bansa.
Kung usapin naman sa kakapusan sa supply ng pagkain ang pag-uusapan, sinabi ni Usec. Edillon na kailangang pagandahin ang produksyon ng agriculture sector.
Ito raw kasi ang sagot para magkaroon ng food security ang Pilipinas.
Matatandaang ilang bodega na ang pinuntahan ng mga tauhan ng Bureau of Customs batay na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at nadiskubre ang itinagong mga libo-libong sako ng asukal na nagmula pa sa Thailand.