Smuggling ng sigarilyo at pagbaba sa tax collections ng gobyerno, tinalakay sa Senado

Tinalakay sa pagdinig ng Senado ang patuloy na pagbaba ng kita ng bansa mula sa nakokolektang excise tax o buwis mula sa tobacco at vape products.

Sa joint hearing ng Committee on Ways and Means at Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, tinukoy ni Senator Sherwin Gatchalian, Chairman ng Ways and Means, na dahil ito sa naglipanang smuggled na sigarilyo ngayon.

Sinabi ni Gatchalian na nagaganap ang bentahan ng smuggled na sigarilyo at vape products sa Quiapo at talamak na rin ang online selling ng smuggled na sigarilyo sa market place sa Facebook.


Kung magpapatuloy aniya ang bentahan ng mga smuggled o illicit tobacco at vape products, lolobo sa P70 billion ang mawawalang koleksyon sa buwis mula rito o kita ng pamahalaan.

Kinalampag ni Gatchalian ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Finance (DOF), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH), Bureau of Customs (BOC), at Bureau of Internal Revenue (BIR) na masusing pag-aralan ang sitwasyon at aksyunan para masawata ang lumalaganap na iligal na bentahan ng mga smuggled na sigarilyo at vape products.

Facebook Comments