Snake massage patok na atraksyon sa Kalibo, Aklan

735
Courtesy Facebook/Kalibo Ostrich Farm

Dahil sa halagang P100, mamasahiin ka ng mga matataba at malalaking – ahas!
Ayon kay Ramon Dio, may-ari ng Ostrich Farm, itinampok niya ang snake massage matapos makita ang naturang aktibidad sa ilang sikat na tourist destination sa probinsiya ng Bohol.
Ipinapatong sa katawan ng mga customer ang nasa 13-talampakang haba na Burmese Python o Albino Burmese Python at may bigat na mahigit 50 kilo habang nakaupo o nakahiga sa isang papag na kawayan.
Tiniyak naman ng farm owner, busog at malinis ang mga alagang ahas bago sila magmasahe. Hindi rin umano ito makamandag kaya siguradong ligtas ang sinumang susubok ng snake massage.
Maliban sa Pilipinas, patok rin ang snake massage sa bansang Brazil, Thailand, Israel, Russia at Indonesia.
Facebook Comments

From Advertisers