Inaprubahan ng members of the parliament ang hiling ni British Prime Minister Boris Johnson magkaroon ng snap elections sa December 12.
Layunin nitong basagin ang anumang pulitikal na hadlang para matuloy ang Brexit.
Sa botong 438-20, pinaboran ng House of Commons ang panukala upang bigyang daan ang kauna-unahang December election mula noong 1923.
Pero kailangan pa itong aprubahan ng House of Lords, na awtomatikong magiging batas ito sa katapusan ng linggo.
Ayon kay Johnson – dapat pakinggan ang pulso ng publiko tungkol sa Brexit.
Dahil dito, magkakaroon ng limang-linggong kampanya hanggang sa araw ng halalan.
Una nang ibinasura ng parliyamento ang panukala ng labour party na ilipat sa December 9 ang eleksyon.
Facebook Comments