Manila, Philippines – Inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasa 340,000 na mga Pinoy na naninirahan sa northeastern ng US na kasalukuyang apektado ng snowstorm.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, dapat bantayan ng mga Pinoy ang kalagayan ng panahon at laging makipag-ugnayan sa mga otoridad.
Payo pa nito, sakaling walang importanteng gagawin sa labas ay manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay.
Kabilang sa mga apektado ng snowstorm ang new York, New Jersey, Connecticut at ilang estado sa New England.
May napaulat din na ilang namatay dahil sa pananalasa ng snowstorm sa Northeast America at Canada.
Facebook Comments