SNOWSTORM | 8 mountain climber nasawi sa snowstorm sa Nepal

Nepal – Walong mountain climber—apat na South Korean at apat nilang Nepali guide—ang nasawi matapos hagupitin ng snowstorm ang kanilang pinagkampuhan sa Mt. Gurja sa Nepal.

Nakita ang mga labi ng walong nasawi ng isang rescue team na sakay ng isang helicopter pero dahil sa sama ng panahon at sobrang lamig sa lugar hindi pa rin nakukuha ang mga labi ng mga ito.

Sa inisyal na report, nakakalat sa kampo ang mga katawan ng biktima, pati ang kanilang mga tent at mga nagbagsakang mga puno bunsod na rin ng snowstorm.


Unang humingi ng tulong ang organizer ng climbing party matapos ang isang araw na wala silang contact sa mga ito.

Nasa paanan ng Mt. Gurja simula pa noong unang linggo ng Oktubre at naghihintay ng magandang panahon bago akyatin ang bundok.

Facebook Comments