SNOWSTORM | Lungsod sa Pennsylvania, isinailalim sa state of emergency

Amerika – Idineklara na ang state of emergency dahil sa snow storm sa Erie, Pennsylvania.

Umaabot na sa 34 na pulgada o 86 na sentimetrong niyebe na bumabalok sa lugar.

Mula pa nitong pasko, nakapagtala na ng 60 pulgadang niyebe at posibleng kumapal pa ito sa mga susunod na oras.


Maraming kalsada na ang isinara.

Ang snowstorm ay epekto ng lake-effect snow kung saan naghahalo ang malamig na hangin sa tubig-lawa.

Facebook Comments