Inakusahan ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario si Pangulong Rodrigo Duterte na ninanakaw at binebenta ang soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa sa China.
Ito ang pahayag ni Del Rosario matapos ihayag ng pangulo sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na mauuwi lamang sa giyera ang pagtataguyod ng 2016 Arbitral Award.
Kaya panawagan ni Del Rosario sa lahat na kumilos lalo na at unti-unting ibinibigay ni Pangulong Duterte ang teritoryo ng bansa sa China.
“The President, being the chief foreign policy-maker in the country, has sold out our nation’s sovereignty and territorial integrity to China. We cannot and must not stand idly by as President Duterte steals our nation’s sovereignty and territorial integrity to give to China what rightfully belongs to the Filipino people,” sabi ni Del Rosario.
Dagdag pa ni Del Rosario, hinahayaan lamang ni Pangulong Duterte ang China na isulong ang kanilang “unlawful” interest sa pamamagitan lamang ng pagbalewala sa makasaysayang ruling.
Sinabi rin ni Del Rosario na puro “lip service” lamang ang ginawa ni Pangulong Duterte nang iakyat niya ang isyu ng South China Sea sa United Nations General Assembly (UNGA).
Ang sunod na dapat na hakbang aniya ni Pangulong Duterte ay maghain ng UNGA resolutions para pagdebatihan ang usapin o kaya naman ay magkaroon ng referral sa isang partikular na UN Committee para ito ay mapag-usapan.
Kapag patuloy na tinatalakay ng international community ang South China Sea issue ay magsisilbi itong daan para suportahan ang Arbitral Award na iginawad sa Pilipinas.