Soberenya at karapatan ng Pilipinas na magsagawa ng aktibidad sa WPS, dapat igalang ng China ayon sa AFP

 

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines o AFP na dapat igalang ng China ang Soberanya at karapatan ng Pilipinas na magsagawa ng aktibidad sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pahayag ay ginawa ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad matapos ang pagbuntot ng dalawang Chinese warship sa Joint Patrol ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea.

Ayon kay Col. Xerxes, sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa isinagawa ang Maritime Cooperative Activity o MCA na alinsunod sa International Law.


Paliwanag pa ng opisyal na hindi umano niya makita ang intensyon ng China sa ginawang shadowing na unang nagpahayag na nagsasagawa rin sila ng hiwalay na drill.

Dagdag pa ni Xerxes na sa kabila ng shadowing ng China ay wala namang nangyaring “Untoward Incident” sa pagsasagawa ng MCA.

Aniya bagaman, nagkaroon ng konting pagkaantala sa pagsasanay ay naging maayos naman sa pangkalahatan ang itinakbo nito.

Facebook Comments