Soberenya ng Ukraine, suportado ng Pilipinas

Nanatiling buo ang suporta ng Pilipinas sa Ukraine.

Pahayag ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ikalawang anibersaryo ng pag-giyera ng Russia sa Ukraine.

Panawagan ng Pilipinas, mahalaga ang komprehensibo, just at lasting peace sa Ukraine na naaayon sa mga prinsipyo ng United Nations Charter.


Ayon sa DFA, patuloy na sumusuporta ang Pilipinas sa Ukraine sa soberenya, independence, unity at territorial integrity nito.

Nanawagan din ang Pilipinas na isulong ang kapayapaan at diplomatic resolution para tuluyan nang matuldukan ang gulo.

February 24, 2022 nang maglunsad ng pag-atake si Russian President Vladimir Putin sa Ukraine para ipatigil ang umano’y Western encroachment.

Facebook Comments