Manila, Philippines – Ipinababalik ng Commission on Audit sa ilang matataas na opisyal ng Department of Health ang sobrang P14.04 milyong piso na hazard pay noong 2009 at 2010.
Sa desisyon ng COA, idineklarang final and executor ng komisyon ang kanilang inilabas na notice of dis-allowances para sa sobrang hazard pay na ipinamahagi noon sa mga opisyal.
Noong 2009, tumanggap ng sobrang P7.11 million ang mga opisyal ng DOH habang P6.94 naman ang ibinigay sa mga ito noong 2010.
Ayon sa COA, nabigo ang DOH na magpakita ng bagong ebidensya na maaring magamit na batayan para bawiin ang notices of disallowance.
Batay aniya sa isinasaad ng republic act no. 7305, dapat ay nasa limang porsiyento lamang ng buwanang suweldo ang hazard pay ng mga public health workers na may salary grade 20.