Sobra sa RCEF collections, pinapagamit ni PBBM para dagdag-ayuda sa mga rice farmers

Naglabas ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Agriculture (DA) na gamitin ang sobrang koleksyon mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Ito ay upang may pandagdag-ayuda sa mga rice farmers.

Sa nakaraang meeting ng pangulo sa mga DA officials, sinabi nitong ang sobrang koleksyon mula 10 bilyong pisong requirement ay dapat nang maibigay sa mga rice farmers.


Ito ay magbibigay ng drying, mechanization at iba pang equipment para mapanatili ang productivity ng mga rice farmers.

Samantala, una nang inaprubahan ni PBBM ang pagrelease ng PhP12.7 billion, ito ay ipapamahagi sa2.3 milyong small rice farmers na makakatanggap ng tig-₱5,000 financial assistance sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA).

Facebook Comments