Sobra-sobrang inuutang ng gobyerno, posibleng umanong magamit bilang presidential pork

Hindi inaalis ng Gabriela Party-list ang posibilidad na maging presidential pork ang P863-billion na sobra sa planong utangin ng administrasyon para sa susunod na taon.

Para kay Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas, isang malaking tanong kung bakit ang borrowing program para sa susunod na taon ay mas mataas kumpara sa inaasahang gastos.

Tinukoy ni Brosas na base sa Budgetary Expenditures and Sources of Financing (BESF), sa panukalang P5.7-trillion na 2024 budget ay P1.3-trillion ang kulang pero bakit P2.2 trillion ang planong utangin.


Bunsod nito ay pinagpapaliwanag sa publiko ni Brosas ang economic managers kung bakit sobra-sobra ang ating uutangin sa susunod na taon na posibleng maging presidential pork sa porma ng unprogrammed funds.

Facebook Comments