
Ipinag-utos ng Department of Health (DOH) na bawiin ang mga COVID-19 vaccines na ipinadala sa mga probinsya na may maliit na bilang ng healthcare workers na babakunahan.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang mga hindi pa nagagamit na bakuna sa ibang mga rehiyon ay dadalhin lahat sa Metro Manila para mabakunahan ang iba pang medical frontliners na hindi pa nakakatanggap ng bakuna.
Nabatid na ang Metro Manila ang episentro ng COVID-19 cases sa bansa.
Nasa 278,870 doses o 25% ng vaccine supply ay inilaan sa Metro Manila.
Facebook Comments









