‘SOBRANG DRAMA DAW’ | Mga pari, pinalagan ni PNP Chief

Manila, Philippines – Umalma at binatikos ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga pari at obispo dahil sa naging pahayag ng isang obispo na theatrics o sobrang nagdadrama ang hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay kaugnay sa plano ng Eastern Police District (EPD) na magdadala na sila bibliya at rosaryo sa pagsasagawa ng Oplan Tokhang.
Bwelta ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa mga pari at obispo, hindi lang sila ang may karapatang maghawak ng bibliya at rosaryo.
Sinabi pa nito na sa halip na palakasin ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang Roman Catholic religion ay inilalayo nila ang mga katulad niyang Katoliko sa kanilang relihiyon.
Inamin din ni Dela Rosa na sumama ang loob niya sa naging pahayag ng CBCP lalo’t religious group ito.
Kaugnay nito wala namang problema kay Dela Rosa ang plano ng EPD na magbitbit ng bibliya at rosaryo lalo’t kung makakatulong ito para mahikayat ang mga drug personalities na magbagong buhay.

Facebook Comments