SOBRANG INIT | Mga inmates sa Manila City Jail, nagkakasakit na

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Manila City Jail na umaabot na sa 30 mga inmate sa naturang kulungan ang nasa infirmary.

Ayon kay Manila City Jail Spokesperson Jail Sr. Insp. Jehrex Bustinera, kanilang pinaghahandaan ang papasok na panahon ng tag init, lalut aminado ang opisyal na siksikan at sobra ang bilang ng binantayan nilang inmates.

Paliwanag ni Bustinera na kabilang sa 30 mga inmate na nasa Infirmary ng Manila City Jail ay mga kaso ng High Blood Pressure, mga sakit na may kinalaman sa baga, at ang iba naman ay dahil sa pagmamanas ng kanilang mga binti.


Base sa kasalukuyan record mayroong mahigit 5,400 mga nakakulong sa Manila City Jail na ang kapasidad lamang ay 1,100 na inmate habang ang mga selda na dapat ay may tig 100 kapasidad lamang ay mayroong mahigit 500 inmate kada selda.

Dahil sa init ng panahon na nararanasan sa loob ng Manila City Jail, matinding kalbaryo na ang dinadanas ng mga bilanggo.

Naunang tinuran ni Manila Jail Warden Jail Supt Randel Latoza, na magsasagawa sila ng screening, upang matukoy ang kalagayang pangkalusugan ng mahigit sa 5,400 mga bilanggo.

Facebook Comments