Sobrang P10-B na kita sa RCEF, planong gamitin ni PBBM para sa irigasyon at suporta sa magsasaka

Plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gamitin ang inaasahang P10 bilyong sosobra sa koleksyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa irigasyon at dagdag na suporta sa mga magsasaka.

Inihayag ito ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa presentasyon ng solar-powered irrigation project ng National Irrigation Administration (NIA) Region 3 Office sa San Rafael, Bulacan.

Ayon kay Romualdez, layunin ng hakbang ni Pangulong Marcos na matiyak na may sapat na suplay ng pagkain sa bansa na abot-kaya ang presyo.


Sabi ni Romualdez, kaugnay rin ito sa pagnanais ni Pangulong Marcos na mapababa sa P20 ang presyo ng kada kilo ng bigas.

Diin ni Speaker Romualdez, mahalaga ang irigasyon upang mapataas ang produksyon ng pagkain sa bansa kaya dapat itong lagakan ng sapat na pondo.

Binanggit ni Romualdez na sumulat din ang NIA sa Kamara upang hilingin na ibalik ang P90 bilyong pondo na inalis sa kanila sa panukalang 2024 budget.

Facebook Comments