Sobrang supply ng gulay, ibahagi sa community pantries – DA

Hinihikayat ng Department of Agriculture (DA) ang vegetable suppliers at producers sa bansa na i-donate ang kanilang sobrang supply sa kanilang local community pantries sa halip na hintaying masira at mabulok na lamang ito.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, ang kanilang surplus ay maaaring ibigay sa community food drive ng ahensya na KADIWA.

Malugod na tatanggapin ng DA ang anumang sobrang supply ng gulay at mga gustong mamigay.


Inatasan na rin ni Agriculture Secretary William Dar ang marketing arm ng ahensya na maghanap ng paraan para makatulong sa iba’t ibang community pantries.

Una nang sinabi ng DA na maaaring mag-donate ng isda sa mga community pantry lalo na at matatag na ang supply at presyo nito.

Facebook Comments