Soc. Gen. Guevarra, irerekomenda sa DFA na pagsabihan ang China na itigil na ang agresibong akayon sa WPS

Irerekomenda ni Solicitor General Menardo Guevarra sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tawagin ang pansin o pagsabihan ang China na sumunod sa commitment na ayusin ang sigalot sa teritoryo sa West Philippine Sea at itigil na ang mga agresibong aksyon na naglalagay sa buhay at sa kalayaan ng mga naglalayag sa panganib.

Sinabi ni Guevarra sa panayam sa Senado na sa ngayon ay hinihintay pa nila ang final report patungkol sa pagbangga ng barko ng China sa mga barko ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa Philippine Coast Guard (PCG).

Kung pagbabatayan naman aniya ang kanilang initial findings at mga ulat sa media, lumalabas na ang insidente ay hindi isang aksidente kundi ito ay sinadya at dahil dito ikinukunsidera itong ‘wrongful international act.’


Sakaling intentional, iginiit ni Guevarra na malinaw na ito ay pagbalewala ng China sa mga international conventions tulad ng UN Charter, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), convention on the prevention of collisions at sea, convention on safety at sea at iba pa.

Sa ngayon ay wala pang kongkretong legal na aksyon ang OSG sa nangyaring insidente dahil kailangan pa itong pagaralang mabuti at paghandaan para alamin kung ano ang susunod na hakbang na gagawin ngunit sa ngayon ay diplomatic process muna.

Aniya pa, sila sa OSG ay magrerekomenda lamang at ang Pangulo pa rin ang magdedesisyon at pipili kung anong partikular na legal action ang susunod na gagawin.

Facebook Comments