SOCA ni Mayor Bernard Faustino Dy, Handa Na!

Cauayan City, Isabela – Nasa pitumpong porsyento na umano ang kabuuan ng ginagawang paghahanda para sa gaganaping State of the City Address (SOCA) ngayong taon ni Mayor Bernard Faustino Dy ng Cauayan City Isabela.

Sa impormasyong ibinahagi sa RMN Cauayan News Team, napag-alaman na ang City Information and Communications Technology Office (CICTO), sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Reina Santos, ang naatasang mangasiwa ngayong taon sa gaganaping SOCA 2018 ng alkalde.

Mula sa mga dekorasyon, imbitasyon, hanggang sa presentasyon ng nasabing pagdiriwang ay dadaan umano sa nasabing tanggapan.


Sa panayam kay Ginoong Michael John Delmendo Jr., Local Economic and Investment Promotions Officer (LEIPO) ng CICTO, nagsimula na rin umano ang kanilang pagpapaabot ng mga imbitasyon hindi lamang sa mga Mayors ng mga bayang kasapi ng Metropolitan Cauayan, ganun na rin sa mga karatig at iba pang mga bayan tulad ng Santiago, Ilagan, at Tuguegarao, Cagayan.

Dagdag pa ni Ginoong Delmendo, mula sa dating techie o moderno ay ibabalik naman umano sa tadisyunal na paraan ang pagpipresenta ng State of the City Address ngayong taon.

Kaagad rin umanong gagawin ang media presscon pagkatapos ng SOCA sa mismo na ring venue upang masaksihan ng publiko ang gagawing pagtatanong sa alkalde.

Kabilang din sa gaganaping SOCA 2018 ay ang oath taking ng bagong miyembro ng Sangguniang Panglungsod na iluluklok sa nabakanteng pwesto ni SP member Alex Uy.

Ang SOCA 2018 ni Mayor Bernard Faustino Dy na may temang Ugnayan sa Bayan ay nakatakdang ganapin sa darating na ika 22 ng Enero 2018, alas 3 ng hapon sa F.L. Dy Coliseum, Cauayan City.

Facebook Comments