Social amelioration budget para sa 2021, hindi sapat, ayon sa DOLE

Aminado ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ang inilaang pondo para sa pagpapatupad ng social amelioration programs para sa 2021 ay hindi sapat para tulungan ang mga manggagawa sa formal at informal sectors na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DOLE Director Warren Miclat, kailangang madagdagan ang budget para sa susunod na taon para mas maraming benepisyaryo ang matulungan mula sa dalawang nabanggit na sektor.

Ang original proposal ng DOLE ay nasa ₱76 billion at ₱61 ay nasa ilallim ng Office of the Secretary.


Mula sa ₱61 billion, nasa ₱40 billion ang ilalaan para sa pagpapatupad ng mga bagong programa, kabilang ang barangay emergency employment program na magbibigay ng subsidy sa mga manggagawa.

Popondohan din nito ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantages Workers Program (TUPAD) program, COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at Nurses Assigned in Rural Areas o NARS Program.

Sinabi naman ni DOLE Bureau of Local Employment Director Dominique Rubia-Tutay na napagpasyahan nila na gawing one-time cash aid ang TUPAD dahil marami pa ang hindi naaabutan ng ayuda mula sa mga benepisyaryo ng TUPAD, CAMP at Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program para sa mga Overseas Filipino Workers.

Kinumpirma ng DOLE na ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bilang ng unemployment rate na nasa 15.8% batay sa July 2020 Labor Force Survey.

Facebook Comments