Mahigpit na ipinatutupad ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na sundin ang Safety Protocols katulad ng Social Distancing sa pagwithdraw ng kanilang cash grants mula sa ATMs.
Ayon sa DSWD, maaari na nilang kunin ang tulong ng gobyerno sa kanila dahil nito lamang Martes ay naipasok na ang Cash Grants sa Accounts ng mahigit 140,000 Beneficiaries ng Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) sa buong bansa na maaari nang withdrawing sa anumang Land Bank ATMs at pwedeng rin sa iba pang bangko pero mayroong minimal charges.
Dagdag pa ng DSWD ang cash grants ng mahigit 700,000 benepisyaryo ng Regular Conditional Cash Transfer (RCCT) mula sa National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region, Regions I, II, at III.
Paliwanag ng DSWD ang Cash Grants naman para sa mga Benepisyaryo sa ibang Rehiyon ay ngayong araw, March 26 ihuhulog at sa March 28 maipapasok sa kanilang Accounts.
Pinayuhan ng DSWD ang mga Benepisaryo dahil inaasahang dadagsa ang mga ito sa ATMs, na magsuot ng Personal Protective Equipment (PPE) tulad ng face mask, gloves, panyo, at magdala rin ng hand sanitizers o kaya ay alcohol para maiwasan na mahawaan o kayay madapuan ng COVID-19.
Giit ng DSWD napakahalaga na dapat ay pairalin din ang Physical Distancing sa pagpila sa ATMs upang matiyak na hindi mahahawaan ng nakamamatay na virus.