Nanawagan maging ang pamunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa mga taga Luzon na ngayon ay ipinatutupad ang enhanced Community quarantine na palaging gawin ang social distancing.
Ito ay dahil sa kapansin pansin pa rin sa ilang lugar sa Luzon lalo na sa Metro Manila na nagkukumpulan pa rin ang ilang at nakakalimutan ang social distancing.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na kung palaging magagawa ang social distancing ay malaki ang posibilidad na hindi makahawa pa ang mga positibo sa COVID 19.
Aniya sa panahong ito kailangan ng sakripisyo at kooperasyon ng lahat para maiwasan ang pagkalat ng COVID 19.
Giit ni Timbal susuportahan ng gobyerno ang lahat ng mga lubhang apektado ng ipinatutupad na enhanced community quarantine na mismong ipinangako aniya ng Pangulo.
Panawagan ni Timbal patuloy na sumunod at makipaggtulungan sa mga ipinatutupad na patakaran ng pamahalaan.