Tiniyak ng Palasyo na nakahanda ang pamahalaan sa anumang epekto ng bagyong AMBO.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, matagal nang napaghandaan ng pamahalaan ang pagtama ng mga kalamidad tulad ng bagyo dahil taon taon naman ay nasa halos 20 bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sinabi pa ng kalihim na sa ngayon ay naka preposisyon na ang mga ayuda o relief goods na kanilang ipamamahagi sa mga maaapektuhan ng bagyo.
Kasunod nito, sinabi ni Roque na mahigpit pa rin ipatutupad ang social distancing sa mga evacuation centers bilang precautionary measure laban sa pagkalat ng COVID-19.
Facebook Comments