Social distancing, patuloy na nilalabag; tricycle, bumiyahe ng 4 na pasahero sa Brgy. San Isidro, Angono Rizal

Pagpapaliwanagin ng pamunuan ng Angono, Rizal Government ang mga barangay opisyal kung bakit patuloy na nilalabag ang social distancing makaraang mailabas sa social media ang isang tricycle sakay ang apat katao na galing sa Botong St., Barangay San Isidro, Angono, Rizal.

Iimbestigahan ng Angono, Rizal Government ang mga barangay opisyal na pinahihintulutan o nagpabaya kaya nakalusot ang pribadong tricycle na bumabiyahe na mayroong sakay na apat katao.

Matatandaan na nagpalabas ng direktiba ang pamunuan ng Angono, Rizal Government na nagbabawal sa mga tricycle na bumiyahe ng lampas sa isa ang pasahero upang maiwasan na magkakahawaan ng COVID-19.


Kapag napatunyan na nagpabaya ang mga opisyal ng barangay sa naturang lugar hindi mangingimi ang Angono, Rizal Government na irekumenda sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na sampahan ng kaukulang kaso ang mga opisyal na nagpabaya sa kanilang mga tungkulin upang mapangalagaan ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan.

Facebook Comments