SOCIAL MEDIA CHALLENGE | “Cinderella Weight Challenge”- latest diet trend sa Japa

Japan – Para sa mga gustong magpapayat at magbawas ng timbang kakaibang uri ng diet ang nauuso ngayon Japan.

Tinawag itong “Cinderella Weight Challenge” kung saan ginagawang inspirasyon ang cartoon character na si Cinderella para matupad ang pangarap nating sexy body figure.

Una itong nag-trending sa Twitter kung saan hinahamon ang mga followers na maabot ang Body Mass Index (BMI) na 18 kilogram na itinuturing na underweight.


Nabatid kasi na ang Healthy BMI ay 18.5 hanggang 24.9 kilograms.

Samantala, para ma-calculate ang “Cinderella Weight”, kapag naabot na ang BMI na 18 kilograms, i-square ito sa height saka i-multiply ang sagot sa 18.

Kung marami ang hook na hook sa nasabing diet challenge, may iba rin naman ang hindi natutuwa sa paggamit kay “Cinderella”.

Facebook Comments