Inireklamo ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang social media influencer at apat na tiktoker dahil sa kanila mga post na nagpapakita na pagsira o hindi maayos na paggamit sa perang papel.
Ayon sa BSP, lumabag ang mga nasabing indibidwal na Presidential Decree 247 o paninira ng mga pera.
Pinunit kasi ng isang social media influencer sa P20 bilang bahagi ng kaniyang social experiment.
Habang, mapapanuod naman sa mga tiktok video ang pagbutas sa P1,000 bilang bahagi ng magic trick; paggamit sa P50 bilang pagsalin ng langis sa motor, ginamit naman ang pera na pangpunas sa sapatos at itinapon sa kalsada at inistapler naman ang P100 bills sa basketball net bilang premyo sa prank sa kaniyang kasama.
Umabot sa isang buwan ang surveillance ng mga awtoridad laban sa nasabing social media influencer at apat na tiktoker.
Inihayag pa ng BSP na hindi na magagamit ang mga pera na sinira at nasayang ang ginastos sa pag-imprenta nito sa halip na magagamit pa ng ilang taon.