Social media, isa sa dahilan ng depresyon ayon sa Dept. of Health

Manila, Philippines – Hinikayat naman ng Department of Health (DOH)ang mga nakakaranas ng depresyon na kumonsulta sa mga espesyalista paramaagapan ito.
 
Ayon kay DOH Spokesperson Assitant Secretary Eric Tayag – bukodsa pagkabigo, problema sa karelasyon at matinding sakit, madalas na ringnapagkukunan ng depresyon ang social media.
  
Sa tala ng World Health Organization (WHO), mula 2005 hanggang2015 tumaas ng 18 porsyento o mahigit 40 milyon ang nadagdag sa mga taong nakakaranasng depresyon.
 
Dahil dito, sinabi ni DOH Secretary Paulyn Ubial – naglaan ang DOHng mahigit isang bilyong piso ang inilaang pondo para makakuha ng dagdag napsychiatrist. Paalala ng DOH, hindi dapat ikahiya ang pagkonsulta sapsychiatrist.
 

Facebook Comments