Social Media, isa sa naging susi ng pagiging successful ng Miracle Organic Marketing Solution

Nagsimula sa pampaputi ng ngipin at pampakinis ng mga kutis pero sa ngayon ay iba’t ibang organic na produkto na ang alok ng Miracle Organic Marketing Solution.

Sa interview ng Business as Usual, ikinwento ng CEO ng Miracle Organic na si Zenrick Dela Cruz na umaabot na ngayon sa ₱50,000 hanggang ₱100,000 ang kanilang kinikita kada buwan nang magsimula silang gumamit ng social media para mag-advertise.

Bukod diyan, isa rin daw sa naging goal nila ay matiyak na may mga improvements ang kanilang kumpanya kada taon.


Ipinagmamalaki pa ni dela Cruz na natural at walang halong mga kemikal ang ingredients ng kanilang mga produkto.

Facebook Comments