SOCIAL MEDIA, NAKIKITANG DAHILAN SA PAGLALA NG KASO NG BULLYING

Isa umano ang social media sa nagpapalala sa isyu ng bullying sa bansa ayon sa ilang estudyante sa Pangasinan.

Malaking factor umano lalo sa panahon ngayon ang social media para madaling makapag-bully ang isang indibidwal sa kapwa nito.

Hindi rin umano makokontrol ang mga opinyon at mga posibleng ikomento ng mga internet users sa simpleng litrato o video na pinost at naglalaman ng paninirang-puri o pananakit sa emosyonal na aspeto.

Ngunit kahit pa, dapat pa rin umanong paigtingin ng gobyerno ang cyber security at matutukan ang mga nilalaman ng mga i-pinopost online lalo ng mga menor edad na estudyante.

Matatandaan na ilang mambabatas ang nababahala sa sunod-sunod na kaso ng bullying na humahantong sa karahasan sa mga estudyante. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments