Social media post tungkol sa mga indibidwal na kumukuha ng blood sugar gamit ang syringe na may HIV, pinabulaanan ng DOH

Mariing itinanggi ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat sa mga social media na may mga nag-iikot na ilang indibidwal para magsagawa ng mga blood sugar test gamit ang mga syringe na kontaminado ng human immunodeficiency virus (HIV).

Base sa social media post, nagbabahay-bahay umano ang mga ito at nag-aalok ng libreng blood sugar test.

Pero ayon sa DOH, wala itong katotohanan at ang layunin lamang ay magpakalat ng maling impormasyon at takot sa publiko.


Nagsagawa rin daw ng berepikasyon ang DOH sa Philippine National Police (PNP) at itinanggi rin ng pulisya ang nasabing ulat.

Umaapela ang DOH sa mga nagpapakalat ng ganitong mga post sa social media na iwasan dahil nakakalikha lamang ng takot o pangamba sa publiko kung saan pinayuhan ng ahensiya ang lahat na iberipika ang mga naglalabasang impormasyon sa social media.

Facebook Comments