Social media practitioners, maaari nang magcover sa mga Presidential at Malacañang Events

Manila, Philippines – Pormal nang binuksan ng Palasyo ng Malacañang ang kanilang mga pintuan para sa mga bloggers at iba pang social media practitioners upang mai-cover ang mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mga aktibidad dito sa Palasyo ng Malacañang.

Batay sa Department order number 15 na inilabas ng Presidential Communications Operations Office na nilagdaan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang mga media practitioner ay ang mga personalidad na nagpapatakbo ng public social media page, blog at website at ang layon ay makapag-pakalat ng mga totoong balita at mga opinion.

Layon ng nasabing Administrative order ay para maging mas epektibo ang information dissemination ng mga aktibidad ni Pangulong Duterte sa social media platform.


Batay sa nasabing kautusan, ang accreditation ng mga social media practitioners ay kada-aktibidad lang ng Pangulo depende sa isasaad ng kanilang aplikasyon.

Requirements naman para sa mga gustong mag-apply, ay dapat ay isang Pilipino, 18 taong gulang o higit pa at mayroong hindi bababa sa 5000 followers sa kanilang mga Social Media Platform.

Matatandaan na inilabas na rin ng PCOO ang kautusan na bumubuo sa Social Media Office na pamumunuan naman ni Assistant Secretary Mocha Uson.

Facebook Comments