Social media sensation na si Xander Ford, nang rape at nambugbog daw ng ex-girlfriend?

How true ang isyung kumakalat sa social media na umano’y nang rape at nananakit ang social media sensation na si Xander Ford o Marlou Arizala sa totoong buhay.

Base sa Facebook post ng kanyang ex-girlfriend na si Ysah Cabrejas, sinabi nito ang failed relationship nila ni Xander.

Ayon kay Ysah, sinasaktan at pinipilit siya makipag-sex kahit meron siyang “dalaw” o kapag ayaw niya talaga.


Aniya, nagkaroon siya ng mga pasa dahil binubugbog siya ni Xander kapag ayaw niya na may mangyari sakanila o kapag ayaw niyang sabay silang maligo.

Dagdag pa niya, nagmakaawa siya at umiiyak pa sa harap ni Xander para sabihin na tumigil na pero hindi siya pinakinggan ng naturang social media sensation.

Samantala, sa pamamagitan ng isang video itinanggi ni Xander ang paratang sakanya ng kanyang ex-girlfriend nito.

Aniya, pagusapan na lang nilang dalawa ang naging problema para magkaroon ng kapatawaran sa isa’t-isa.

Facebook Comments