Social Pension list, patuloy na nililinis ng DSWD

Tatapyasin ang bilang ng mga benepisyaryong nasa ilalim ng Social Pension program ng gobyerno.

Ito ay matapos magsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ‘cleansing’ sa listahan ng program beneficiaries.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, matatanggal sa listahan ang mga hindi kwalipikado sa programa.


Ang pondo ay ibibigay sa mga senior citizen sa mga lugar na hindi pa nakatatanggap ng kanilang social pension, na nakamandato sa ilalim ng Republic Act No. 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Noong nakaraang taon, higit tatlong milyong indigent senior citizens ang nakatanggap ng kanilang social pension na nagkakahalaga ng higit ₱9 billion.

Sa ilalim ng Social Penion (SocPen) program, ang mga kwalipikadong indigent senior citizens ay makatatanggap ng monthly stipend na 500 pesos bilang dagdag panggastos sa kailang araw-araw na pangangailangan.

Ang social pension ay ipinamamahagi sa semestral basis o ₱3,000 kada semester o ₱500 kada buwan sa loob ng anim na buwan.

Ang DSWD ay nakikipag-ugnayan sa mga mambabataas para itaas ang budget allocation para sa programa.

Facebook Comments