SOCIAL PENSION NG HIGIT TATLONG LIBONG INDIGENT SENIOR CITIZENS SA BAYAMBANG, IPINAMAHAGI

BAYAMBANG, PANGASINAN – Matagumpay na naipamahagi ang social pension sa mga kwalipikadong indigent senior citizens sa iba’t ibang barangay ng Bayambang sa loob ng isang araw.

Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development Office Field Office 1 (DSWD – FO1), kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), nabigyan ang aabot sa 3,391 indigent senior citizens ng social pension para sa unang semestre na nagkakahalaga ng PHP 3,000.00.

Nagtungo ang mga kawani at kinatawan ng mga nasabing opisina sa bawat barangay upang ipamahagi ang pension.


Ang pamamahagi naman ng social pension para sa mga ito ay inaasahan na makatutulong sa kanila sa panggastos nila sa araw araw na pamumuhay tulad ng para sa maintenance ng ilan.

Facebook Comments