SOCIAL PENSION NG MGA SENIOR CITIZEN SA INFANTA, NAIBIGAY NA

Aabot sa 1, 467 na mga senior citizen sa bayan ng Infanta ang tumanggap na ng kanilang social pension.
Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development ang pamamahagi sa mga barangay ng bayan kasama ang opisina ng Regional Social Pension.
Ang pamamahagi ng Social Pension ay alinsunod sa Expanded Senior Citizens Act of 2010 or RA 9994 na may layuning maisaayos ang pamumuhay ng mga mahihirap na senior citizen sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakayahan sa mga ito na makabili ng pagkain, gamot at vitamins, nakatanggap ng isang libo’t limang daang piso (Php 1,500).

Sakop nito ang buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.
Sa panahon ng pandemya, importante na mabigyan ng sapat na kalinga at suporta ang mga lolo’t lola. | ifmnews
Facebook Comments