SOCIAL PENSION PARA SA HIGIT ISANG LIBONG SENIOR CITIZEN, IPINAMAHAGI SA INFANTA

INFANTA, PANGASINAN – Nakatanggap ng tig tatatlong libong peso (₱3,000) ang isang libo at tatlong daan at apatnapu’t pitong (1,347) Senior Citizen ng bayan ng Infanta matapos na maganap ang pay out ng mga ito sa bayan ng Infanta.

Ang programa na ito ay alinsunod sa Expanded Senior Citizens Act of 2010 or RA 9994 na may layuning maisaayos ang pamumuhay ng mga mahihirap na senior citizen sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakayahan sa mga ito na makabili ng pagkain, gamot at vitamins.

Ang pensyong natanggap ng mga kwalipikadong senior citizens ay para sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre, 2021. Ito ay nagmula sa pamahalaang nasyunal na ipinamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Ang benepisyong ito ay para lamang sa mga nakatatandang mahihirap at mahina na, sakitin, may kapansanan at walang natatanggap na pension mula sa GSIS, SSS, Veterans beneficiaries o iba pang insurance company , at walang permanenteng pinagkukunan ng kita o suporta sa miyembro ng pamilya.

Naniniwala ang lokal na pamahalaan na malaki ang maitutulong nito upang mabawasan ang kaso ng kagutuman at maprotektahan ang karapatan ng mga mahihirap na matanda sa bayan.###

Facebook Comments