SOCIAL PENSION PARA SA MAHIHIRAP NA NAKATATANDA SA REGION 1, IPINATUTUPAD SA ILALIM NG DSWD

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, nakipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 – Ilocos Region sa mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad ng programang Social Pension for Indigent Senior Citizens.

Sa pamamagitan ng Transfer of Fund scheme kung saan direktang inililipat ang pondo sa LGU, mas napabilis at naging episyente ang proseso ng pamamahagi ng stipend sa mga benepisyaryo.

Kabilang sa mga napabilang sa validation ang bayan ng Umingan, Pangasinan; Lungsod ng Candon, Ilocos Sur; at bayan ng Pinili, Ilocos Norte. Isa sa mga ito ang pararangalan sa 2025 Social Pension Program Implementation Review in Strengthening Synergy with Local Government Partners na gaganapin sa October 13–17, 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments