
Ipinagpatuloy ng pamahalaang panlungsod ng Dagupan ang pamimigay ng social pension para sa mga senior citizens.
Kasama sa benepisyaryo ngayong umaga ang 913 na nakatatanda mula sa mga barangay Herrero-Perez, Malued, Mangin, at Pantal, na tumanggap ng kanilang 4th quarter social pension na tig-3,000 pesos.
Isinagawa ang payout sa pangangasiwa ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines – Dagupan, Office of the Senior Citizens Affairs, at City Treasury Office.
Layunin ng programa na tiyakin ang tuloy-tuloy na suporta para sa mga indigent senior citizens sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









