Nakatakdang isagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng Social Pension sa lungsod ng Alaminos para sa mga benepisyaryong senior citizen ngayong Nobyembre 18–19, 2025 (Martes–Miyerkules). Saklaw ng nasabing payout ang ikatlong kwarter ng taon, mula Hulyo hanggang Setyembre 2025.
Gaganapin ang distribusyon sa kani-kanilang barangay o sa mga covered court na itatalaga para sa aktibidad. Layunin ng programang ito na patuloy na maibigay ang tulong-pinansyal sa mga kwalipikadong nakatatanda bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Pinapaalalahanan ang lahat ng benepisyaryo na kunin ang kanilang Social Pension sa itinakdang petsa at oras. Hinihikayat din silang makipag-ugnayan sa kanilang Barangay Officials at BASCA Presidents upang malaman ang mga kinakailangang dokumento na dapat dalhin sa araw ng pay-out.






