Social Security System, nakapagtala ng P90-B na disbursement benefits sa ikalawang kwarter ng taon

Aabot sa P90.5 billion na benefit disbursements ang nailabas ng Social Security System (SSS) mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Umakyat ito ng 13.3% mula sa P79.93 billion na Social Security and Employees Compensation (EC) benefits na naibahagi nitong 2020.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, patunay lamang ito na tumutupad ang SSS sa mandato nitong makapagbigay ng makahulugang serbisyo sa lahat ng manggagawang Pilipino lalo na ngayong pandemya.


Facebook Comments