Social skills ng kabataan, dapat tutukan sa pagbabalik ng face-to-face classes

Iginiit ni Committee on Basic Education Chairman Senator Sherwin “Win” Gatchalian, na hindi lamang ang academics ang dapat tutukan pagdating sa learning recovery.

Diin ni Gatchalian, dapat ding bigyan ng pagpapahalaga ang social at emotional development ng mga kabataan sa unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes.

Paliwanag ni Gatchalian, apektado ang social skills ng mga kabataan matapos ang mahigit isang taon na walang klase sa mga paaralan.


Ito ay base na rin sa iniulat kay Gatchalian ng mga guro at school officials na nakilahok sa face-to-face classes na kaniyang binista sa Valenzuela City.

Matatandaang inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 2355 o ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act upang magtatag ng learning recovery program sa buong bansa na layuning matulungan ang mga mag-aaral na nahihirapan sa kanilang mga aralin.

Sa ilalim ng panukala, bukod sa academics, tututukan din ang pagbibigay ng sapat na probisyon sa pangangailangang pang-nutrisyon, social, emotional, at mental health ng mga mag-aaral.

Facebook Comments