Social support program para sa mga mahihirap, inapelang ipagpatuloy kahit bubuksan na ang ekonomiya ng bansa

Umapela si Senator Joel Villanueva sa pamahalaan na ipagpatuloy ang social support program o ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na sektor ng lipunan.

Ito ay kahit pa unti-unti nang pinapayagan na magbukas ang ilang negosyo sa bansa.

Ayon kay Villanueva na siya ring Chairman ng Senate Committee on Labor, kahit matapos ang community quarantine, marami pa rin ang mangangailangan ng ayuda ng pamahalaan.


Paliwanag ng senador, marami sa ating mga kababayan lalo na sa Metro Manila ang hindi makapag-hanap buhay at nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Bunsod nito, iminungkahi ni Villanueva na pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang target beneficiaries nito.

Iminungkahi rin nito na palawigin pa ang health care system at maghanda sa muling pagdami ng COVID-19 cases dahil hindi malayong mangyari aniya ito sa muling pagbubukas ng ekonomiya.

Facebook Comments