Ikinabahala na ng local watchdog na Social Watch Philippines ang naitalang pitong UP Diliman Health Service Workers na nahawahan ng COVID -19.
Nanawagan ang grupo ng agarang implementasyon ng support mechanism para sa mga health care frontliner.
Nagpadala na ng position paper ang Social Watch Philippines sa Inter-Agency Task Force (IATF) na naglalaman ng kanilang hiling para sa health frontliners.
Kabilang dito ang rekomendasyong mabigyan ng pantay na hazard pay ang lahat ng health workers sa private at public sector, pagkain at medical allowance at iba pang benepisyo.
Sa kabuuan ipinanawagan ng grupo na dapat magkaroon ng social, emotional, moral, at kahit spiritual support ang health workers.
Bagamat isolated na ang mga infected workers at natunton na rin ang kanilang mga close contact, tiniyak ng UP Diliman Public Health Service na magpapatuloy ang kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko.