Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang papel o tungkulin nito sa six-month closure at rehabilitation ng Boracay.
Ayon kay DSWD OIC Emmanuel Leyco, nakatuon sila sa sitwasyon ng mga residente at manggagawa na pumiling manatili sa isla sa kabila ng shut down.
Ilan pa aniya sa functions ng ahensya ay:
· Pagbibigay ng agarang social welfare assistance sa mga apektadong indibidwal at pamilya.
· Pagsasagawa ng social case management sa mga komunidad para sa community-based development programs.
· Pangungunahan ang rehabilitasyon ng mga apektadong indibidwal, pamilya o komunidad sa pamamagitan ng mga programa ng ahensya.
Nakikipagtulungan ang DSWD sa Department of Labor and Employment (DOLE) para magbigay ng livelihood at income opportunities sa mga apektado ng closure.