SOCO, magsasagawa ng ocular inspection sa pinangyarihan ng pagkamatay 2 Vietnamese na mangingisda

Manila, Philippines – Aalamin ngayon ng Scene of the Crime Operatives o SOCO ng PNP ang fishing boat ng mga Vietnamese kung saan nabaril at napatay ng mga tauhan ng Philippine Navy ang 2 mangingisdang Vietnamese.

Ayon kay PCG Spokesman Armand Balilo, ang Philippine Coast Guard na siyang head ng Task Force at lead investigator sa kaso, iinspeksyonin ng SOCO ang fishing boat para alamin ang trajectory ng bullets, position ng mga mangingisdang Vietnamese at ang layo ng barko ng Philippine Navy sa fishing banca ng mga Vietnamese nang mangyari ang pamamaril.

Paliwanag ni Balilo, dito malalaman kung gumamit ba ng sobra-sobra o labis na pwersa ang Philippine Navy laban sa mga Vietnamese na umano’y iligal na nangignisda sa karagatang sakop umano ng Pilipinas.


Aalamin din kung naayon sa Maritime Law ang ginawa ng Philippine Navy.

Ayon sa PCG, batay sa BFAR Order, dapat hindi na gagamit ng baril ang mga otoridad laban sa mga illegal na nangingisda at sa Law of Sea Convention at dapat ay bugawin lamang o gamitan lang ng water canon ang mga illegal na mangingisda.

Facebook Comments